Dahil ang kanilang Royal Highness Princess na si Sirivannavari Nariratana ay kabilang sa delegasyon ng Thailand para sa Nov. 27-Dec. 5 biennial meet.
Kinumpirma kahapon ni Maj. Gen. Charouck Arrirachakaran, vice president at secretary-general ang ulat na ang kanilang Prinsesa ay kabilang sa magpapakita ng aksiyon sa pinakamalaking sports spectacles sa rehiyon kung saan bahagi siya ng badminton team ng Thailand.
"Her Royal Highness made it to the team and her presence is expected to boost the morale of the Thailand delegation," ani Charouck, na dumating sa bansa para sa apat na araw na pagbisita upang maihanda ang seguridad na gagawin sa Thai Princess.
Lalaro ang 19-anyos royal grandduaghter kasama ang Asian champions na sina Boonsak Polsana, Sudket Prapakamol at Saralee Thungthongkam sa badminton squad ng bansang Thailand upang makatulong sa kampanya para sa ginto.