PSC kaagapay ng PHILSOC
September 28, 2005 | 12:00am
Maliban sa pondo, nakakatulong rin ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHIL-SOC) sa iba pang paraan.
Ayon kay PSC Commissioner Atty. Ambrosio De Luna, ang komisyon ang siyang nagpapasok ng mga sports equipment mula sa ibat ibang bansa para sa mga National Sports Association (NSA).
"Nakakatulong ang PSC in terms of tax exemptions from the importation of the equipments. Katulad sa dragonboat na medyo may kamahalan ang equipment. Sa archery rin, hindi na rin tayo nagbabayad ng taxes," wika ni De Luna. "Under the law, we are exempted from customs duty and taxes."
Sinabi ng Commissioner na tahimik lamang ang ginagawang pagtulong ng PSC sa PHILSOC kaugnay sa pag-oorganisa ng darating na 23rd SEA Games sa Nobyembre.
"We have been extending to them exemptions in the donations and also in taxes sa mga equipments na gagamitin for the coming 2005 Philippine Southeast Asian Games," sabi ni De Luna.
Humigit-kumulang sa P500 milyon na ang naibibigay na suporta ng pamahalaan, sa pamamagitan ni PSC chairman William Butch Ramirez, para sa nasabing biennial meet.
Ang komisyon rin ang siyang gagastos sa allowance ng bawat national athlete at coach sa 2005 SEA Games.
Ang kakapusan pa rin sa pondo ang problema ng PHIL-SOC dalawang buwan bago ang 2005 SEA Games. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended