^

PSN Palaro

‘Cluster scheme’ para sa SEAG transportation

-
Ipapatupad ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC) ang ‘cluster scheme’ para sa transportation system sa Southeast Asian Games upang makatipid ng oras at resources at bawasan ang traffic habang idinaraos ang biennial meet sa Nov. 27-Dec. 5 event.

Sinabi ni PHILSOC transportation at traffic control committee chief Rodolfo Alfonso na binuo ng kanilang grupo ang sistema matapos ang mahabang deliberasyon kasama ang iba’t ibang pinuno ng komite at ahensiya na may kinalaman sa transportasyon partikular na ang Philippine National Police (PNP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

"While security arrangement is already in place, we have to deal with all the possible problems in the transportation of the athletes, officials and dignitaries," ani Alfonso.

"Aside from the regular routes, siguradong mag-aalisan ‘yan para mamasyal at maglilibot sa Kamaynilaan at iba pang tourist spots. So to avoid chaos, we have to enforce a cluster scheme to easily secure all the participants," dagdag pa ni Alfonso.

Mahigit 5,000 athletes, officials, dignitaries at members ng international press ang inaasahang darating sa bansa bago pa lamang magbukas ang SEA Games sa Luneta Grandstand sa Manila sa Nov. 27 kaya pinagsama-sama sa isang cluster ang mga sports na magkakalapit ang venues para sa mas maayos na paghahatid at sundo ng mga partisipante.

May 30 venues ang host ng 25 sports event sa Metro Manila, Tagaytay, Subic at Alfonso.

IPAPATUPAD

KAMAYNILAAN

LUNETA GRANDSTAND

MAHIGIT

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PHILIPPINE SOUTHEAST ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

RODOLFO ALFONSO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with