^

PSN Palaro

Ritualo nagbida sa Express

-
Pinatingkad ni Renren Ritualo ang kanyang warmed up para sa nalalapit na pagbubukas ng Philippine Basketball Association (PBA) 2005-06 season sa pamamagitan ng pagposte ng 38 puntos at igiya ang 112-90 panalo ng Air Express laban sa defending Fiesta Cup Champion San Miguel sa pre-season match noong Linggo sa Tinga gym sa Taguig.

Hindi napigilan ang four-year veteran guard sa labas nang magsalpak ito ng 10-of-18 mula sa three-point range na nagpahanga sa malaking bilang ng mga manonood noong hapon na iyon na kinabibilangan ni San Miguel team official Henry Cojuangco.

Naging epektibo lalo si Ritualo sa third period nang magbaba siya ng 25 mula sa kanyang kabuuang puntos at nagsalpak ng anim na tres sa final na anim na minuto ng labanan.

Bunga nito, kontrolado na ng Express ang laban kung saan umalagwa sila ng husto sa 79-58 papasok sa final canto.

Mabagal ang naging panimula ng Beermen nang maiwanan ng maraming ulit sa 12 puntos sa pagtatapos ng first period at lumaki naman ito sa 13 puntos sa 36-23 sa kalagitnaan ng second period.

Subalit nakita rin ng Beermen ang kanilang rhythm sa panimula ng second half nang makalapit sa 39-42 may tatlong minuto na lamang ang nalalabi.

Ngunit dito na nagpakawala si Ritualo ng kanyang mga basket upang muling ilayo ang kalamangan ng Express tungo sa panalo.

AIR EXPRESS

BEERMEN

BUNGA

FIESTA CUP CHAMPION SAN MIGUEL

HENRY COJUANGCO

LINGGO

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

RENREN RITUALO

RITUALO

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with