^

PSN Palaro

PAWIS, PINAG-AARALAN

GAME NA! - Bill Velasco -
Kasama na sa buhay ng atleta ang pawis. Liban sa manlalangoy, wala na yatang naglalaro ng sports na hindi tumatagaktak ang pawis. Ang pawis din ang palatandaan na sapat na ang ating warm-up, at maaari nang magsimula ng mas mahirap na exercise.

Subalit ngayon, natatagpuan ng mga sports scien-tists ang tunay na halaga ng pagpapawis. Sukat ito ng mga nawawalang sangkap sa ating katawan na kailangang mapalitan. Sa kauna-unahang pagkaka-taon sa Asya, pinag-aralan ng mga scientists ang pawis ng mga basketbolista, sa pamamagitan ng isang "sweat test".

"We tested eight Talk ‘N Text players, and found out that three of them were already dehydrated even before they started their workout," paliwanag ni Dr. Jose Raul Canlas ng Gatorade Sports Science Institute.

Ayon pa kay Canlas, halos tatlong litro ng pawis ang nawawala sa karaniwang atleta bawat oras. At hindi lahat nito ay napapalitan.

"Athletes don’t just lose water," dagdag pa ng miyembro ng FIBA Medical Council. "They also lose plenty of sodium and electrolytes, which need to be replenished." Ayon sa pananaliksik ng Gatorade, 30 hanggang 40% ng kaka-yahan ng isang manlalaro ay maaaring mawala kapag kinulang siya ng mga ito. At hindi lamang lakas ng katawan ang pinag-uusapan.

"You lose concentration, focus, and have a greater tendency to have cramps," sabi ni Canlas. "Over the long run, it could lead to injury."

Kaya huwag maliitin ang uhaw. Pahiwatig ito na may kailangan ang iyong katawan. Makinig.

ASYA

AYON

CANLAS

DR. JOSE RAUL CANLAS

GATORADE

GATORADE SPORTS SCIENCE INSTITUTE

KASAMA

MEDICAL COUNCIL

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with