^

PSN Palaro

Mahusay na import ang kailangan ng Purefoods

-
Dahil nahihirapang makakuha ng magandang trade ang Purefoods, sinabi ni TJ Hotdogs coach Ryan Gregorio na kailangan nilang makakuha ng mahusay na import at ma-improve ang individual skills ng kanyang mga players.

"We talked to some teams at ang hinihingi nila eh either Kerby (Raymundo) and James (Yap). So initial talks pa lang, wala na," ani Gregorio sa isang pakikipagpanayam sa kanilang practice sa Adidas Camp sa The Fort. "So we are working individualy on our skills development."

Inamin ni Gregorio na kailangan nila ng ‘big guy’ para sa nalalapit na Reinforced Conference ng Philippine Basketball Association na magbubukas sa October 8.

"We need a big guy who can man the slot in the middle. I’m hoping that our import ang magiging sagot dito," ani Gregorio.

Tinitignan ng Purefoods ang mga dating imports na sina Marcus Melvin at si Lenny Cooke ngunit posibleng magkaroon ng problema ang una sa 6’6 height ceiling na itinakda ng PBA habang inaalala naman ni Gregorio na maaaring may epekto pa rin ang injury sa achilles ng huli.

"Ussualy in an import Conference, 70% of the chance of winning a championships depends on the import," ani Gregorio na tinitignan din ang kanyang option na kumuha ng baguhang import.

Kasalukuyang nagtra-tryout sa Purefoods ang mga rookies na sina Jondan Salvador at BJ Manalo kung saan minamataan ni Gregorio na kunin ang una.

Nag-aagawan naman para sa No. 1 slot sina Alwin Espiritu, Gerard Jones, Rysal Castro at Eugene Tejada. (Ulat ni CVOchoa)

ADIDAS CAMP

ALWIN ESPIRITU

EUGENE TEJADA

GERARD JONES

GREGORIO

JONDAN SALVADOR

LENNY COOKE

MARCUS MELVIN

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with