Najorda nagbida para sa Baste
August 16, 2005 | 12:00am
Isang araw matapos tanghaling 6th overall pick ng Red Bull sa 2005 PBA Rookie Draft, inihatid ni Leo Najorda ang five-time champions San Sebas-tian College sa panalo.
Humakot si Najorda ng 10 sa kanyang 19 puntos sa third quarter upang ibigay sa Stags ang 65-60 tagumpay kontra sa nasi-bak nang Jose Rizal University at palakihin ang kanilang tsansa sa Final Four sa second round ng 81st NCAA mens basket-ball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome.
"Hindi naman nagbago yung attitude niya sa game kasi parang gusto niyang ipakita na worth naman yung pagkuha sa kanya ng Red Bull sa PBA," ani mentor Turo Valenzona sa 6-foot-4 na 2003 MVP awardee.
Ang nasabing panalo ang nagpanatili sa San Sebastian sa No. 4 spot sa kanilang 6-5 kartada, habang tuluyan nang nasipa ang Jose Rizal ni Cris Calilan sa kanilang 2-9 baraha.
Sa inisyal na laro, isang defensive stop sa huling 20 segundo ang ginamit ng Mapua Cardi-nals para daigin ang San Beda Red Lions, 60-59, at itala ang kanilang two-game winning streak.
Namintine ng Cardi-nals ang pag-upo sa No. 3 spot mula sa kanilang 7-4 rekord sa ilalim ng host Letran Knights (10-0) at nagdedepensang PCU Dolphins (8-2), habang lumatay naman sa San Beda ang isang two-game losing skid sa kanilang 3-8 marka.
Para maka-pasok sa Final Four, isang pa-nalo pa ang kailangan ng Mapua na nakakuha kay Joeferson Gonzales ng 22-puntos, 2 rebounds, 2-steals at 1 assist kasunod ang 15 marka ni Sean Co at 13 ni Raymond Tiongco.
Sa juniors action, na-panatili ng San Sebastian Staglets (9-1) ang pamumuno matapos igupo ang Jose Rizal Light Bombers (3-6) sa kanilang 80-66 tagumpay. (Ulat ni RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended