^

PSN Palaro

Bautista vs Murillo, undercard ni Pacquiao

-
Haharapin ni ALA stable teenage sensation Rey "Boom Boom" Bau-tista si Colombian Felix Murillo sa undercard ng eksplosibong "Double Trouble" slugfest na babanderahan nina Pinoy ring icon Manny Pacquiao at Mexican star Erik Morales sa Setyembre 10 sa Staples Center sa Los Angeles, California.

Ito ang ipinaabot ni Antonio L. Aldeguer, manager ni Bautista nang ihayag ng Top Rank ang kumpletong card sa laban sa Setyembre 10.

Ang blockbuster double-header ay tatam-pukan ng laban ni Pac-quiao kay Hector Velas-quez habang ang Mexi-can na si Morales naman ay makakaharap si dating USA Olympian Zahir Raheem. Kapag nanalo sina Pacquiao at Morales sa kani-kanilang laban, inaasahan ang kanilang rematch na maaaring ganapin sa Disyembre ng taong kasalukuyan o sa Enero 2006.

Si Bautista ang reign-ing WBO Asia-Pacific bantamweight champion ay lalaban sa kanyang kauna-unahang ring appearance sa US main-land. Nakalaban na ito sa Hawaii noong Marso kung saan dinurog niya ang Thai na si Aree Phosu-wangym sa loob ng dala-wang rounds sa Neal Blaisedell Arena.

Ipaparada ng 19 anyos na si Bautista ang kanyang 16-0 win-loss record na may 12 knock-outs sapul nang mag-pro ito may dalawang taon na ang nakakalipas.

Nakatakda sanang sumabak sa Agosto 19 si Bautista sa Stockton Ball-park sa Stockton, Califor-nia ngunit kinansela ito ng kanyang American agent na si Michael Koncz at Aldeguer kapalit ng mas lukratibong laban sa Setyembre.

Ang Colombian boxer naman ay may record na 13-4-1 win-loss-draw na may 11 knock-outs.

Aakyat din sa ring si Fil-Am Brian Viloria sa nasabing card laban naman kay WBC light flyweight champion Eric Ortiz sa 12 round title fight. (Emmanuel Villaruel-Freeman)

vuukle comment

ALDEGUER

ANG COLOMBIAN

ANTONIO L

AREE PHOSU

BAUTISTA

BOOM BOOM

COLOMBIAN FELIX MURILLO

DOUBLE TROUBLE

EMMANUEL VILLARUEL-FREEMAN

SETYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with