^

PSN Palaro

Sa kabila ng mga pagbabago ng venues, handa na ang lahat sa 23rd SEA Games

-
Sa kabila ng pagbabago ng ilang sports associations sa kanilang venues, inihayag ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC) ang kahandaan ng mga ito sa Nobyembre.

"Sa ngayon, halos lahat naman ng venue ay ready na para mag-host ng event ng 2005 Southeast Asian Games," sabi ni PHILSOC Sports and Venues Operations chairman Richie Garcia. "All of these are being taken cared of."

Ang mga tinutukoy na venue ni Garcia na gagamitin para sa 23rd SEA Games ay ang Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila, ang PhilSports Complex sa Pasig City, Cuneta Astrodome sa Pasay City, Makati Coliseum sa Makati City at mga ‘satellite venues’ na Bacolod City, Cebu City at Subic Bay Freeport.

Mula sa Cebu City, inilipat naman ng taekwondo association ang kanilang kompetisyon sa Cuneta Astrodome.

Dinala ng equestrian federation ang kanilang labanan sa Ayala Alabang Golf and Country Club galing sa Eastridge Golf and Country Club sa Antipolo City.

Pinagpipilian naman ng biliards and snooker congress ang Cuneta Astrodome at Pearl Plaza sa Parañaque para sa kanilang venue. (RC)

ANTIPOLO CITY

AYALA ALABANG GOLF AND COUNTRY CLUB

BACOLOD CITY

CEBU CITY

CITY

CUNETA ASTRODOME

EASTRIDGE GOLF AND COUNTRY CLUB

MAKATI CITY

MAKATI COLISEUM

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with