^

PSN Palaro

4th win inilista ng RP-SMB

-
TAIPEI, Taiwan – Inilista ng RP-San Miguel Beer ang ikaapat na sunod na panalo sa 27th R. William Jones Cup International Basketball Tournament, makaraang ilampaso ang India, 107-69, sa Taipei Physical Education College gym dito.

Dahil sa imakuladang barahang hawak, patuloy na nakikisosyo ang Pinoy sa liderato sa Passing Lane Sports ng US at Samara ng Russia sa 10-team field na torneo.

Ang malawak na 38 puntos na bentahe ng RP-SMB hindi gaanong nag-pakita ng pagkabahala sa dinanas ng Pinoy sa unang bahagi ng laro kung saan rumatsada si Shanmugam Sridhar upang idikta sa India ang tempo sa first period 22-14 bago isinara ito sa 24-19 bentahe matapos ang 10 minutong laro.

Sa pagpasok ng ikala-wang bahagi, winasak ni Jay-jay Helterbrand ang India, nang manalasa ito at simulan ang pag-iinit ng mga Pinoy. Kumana si Helterbrand sa second quarter na nagbigay sa RP-SMB ng abante 25-24, may 8:45 pa ang nasa orasan.

Sinimulan din ni Asi Taulava, nanguna sa lahat ng scorers sa kan-yang 29 puntos, na mag-inat sa ilalim at tabunan ang magagaan na In-dians. Ngunit determi-nado ang kalaban na bigyan sila ng sakit ng ulo nang kumana ito sa perimeter at makalapit sa 41-43 sa ikatlong period.

Ngunit ‘yun na ang huling oposisyon ng Indian nang magsimulang manalasa sina Taulava, Romel Adducul at Tony Dela Cruz para sa 15-0 blast at mula sa 57-48 na kalamangan napalobo pa nila ito sa 72-48 sa ikat-long yugto ng laro.

Hindi pa rin nakun-tento, tuluyang minasaker ng RP-San Miguel Beer ang India nang hindi nilang pinayagang makakuha ito ng kahit isang goal sa huling apat na minuto ng laro.

"I admitted I made a mistake by telling the guys India will be a light oppo-nent," ani national coach Chot Reyes, na walong players lamang ang halos naglaro. "We came out quite flat and India took advan-tage. Any team in this tournament is capable of beating any team on a given night."

Makakaharap ng Pinoy ang AIS ng Australia sa ganap na alas-4 ng hapon kung saan baka hindi gamitin si Brandon Cablay na iika-ika na lumabas ng court sa second period.

Gayunpaman, dumating na sina PBL at UAAP standouts Dennis Miranda at Jondan Salvador para makahalili ng na-injured na si Willie Miller.

ASI TAULAVA

BRANDON CABLAY

CHOT REYES

DENNIS MIRANDA

HELTERBRAND

JONDAN SALVADOR

NGUNIT

PASSING LANE SPORTS

PINOY

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with