^

PSN Palaro

Chinese-Taipei kampeon

-
Pinaglaruan lamang ng Chinese-Taipei ang Team Philippines matapos na paulanan ng maraming hits at ipatikim ang nakakahiyang 12-2 kabiguan kahapon ng mga Pinoys at dominahin ang 2005 Asia Pacific Zone Bronco Baseball Cham-pionship na sinaksihan ng maraming manonood sa Sto. Niño Baseball grounds sa Marikina City.

Pinangunahan ni Lin Chih Hao ang pananalasa ng Taiwanese nang pumukol ito ng tatlong hits ng apat na beses niyang hawakan ang bat at kumana ng limang runs, kabilang ang grand slam sa third inning.

Ito ay isa lamang sa 14 hits na kinunekta ng Taiwanese na buman-dera rin noong nakaraang taon sa nasabing event na idinaos naman sa Beijing, China sa larong pinaiksi lamang sa five inning dahil sa kanilang 10-run na bentahe o mercy rule sa event na ito na suportado rin ng Blue Wave Mar-quinton, Asia Brewery Absolute, Jollibee, Golden Vine Labora-tory, Chikiting Patrol Foundation at Image Travels and Tours.

Ang iba pang kumana ng iskor para sa bisitang squad ay sina Wang Chia Ching, Lin Tzu Wei, Chen Wei Hao at Liu Yu Chen, na nagsanib ng lakas para sa kabuuang walong hits na nagresulta ng pitong RBIs (runs-batted-in).

Gayunpaman, hindi naman pumayag ang host na halos binubuo ng mga batters mula sa world class-shoe making city sa pangunguna ni Mayor Maria Lourdes Fernando na hindi man lamang makapuntos.

Ang Taiwanese ay babalik sa Monterey, California para sa Bronco Baseball World Series simula sa Aug. 4.

ANG TAIWANESE

ASIA BREWERY ABSOLUTE

ASIA PACIFIC ZONE BRONCO BASEBALL CHAM

BLUE WAVE MAR

BRONCO BASEBALL WORLD SERIES

CHEN WEI HAO

CHIKITING PATROL FOUNDATION

GOLDEN VINE LABORA

IMAGE TRAVELS AND TOURS

LIN CHIH HAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with