^

PSN Palaro

3rd Manila Marathon tatakbo na ngayon

-
Ang makasaysayang Rizal Park ay magiging dagat ng sangkatauhan sa pagtatang-hal ngayon ng 3rd Manila Marathon.

Umaabot sa 40,000 runners sa lahat ng klase ng buhay na kinabibilangan ng mga pinakamahuhusay sa marathon at long distance runners sa bansa ang magtiti-pun-tipon sa Luneta upang lumahok sa event na hindi lamang inaasahang maisusu-lat sa Guinness Book of World Record kundi higit sa lahat ang makapagsilbi sa mga nanga-ngailangang kabataan.

Ang registration fee para sa Big City run na bahagi ng Buhayin ang Maynila program ni Mayor Lito Atienza ay ipapalit sa donasyon na canned goods mula sa partisipante para sa benepisyo ng mga kapos at nagugutom na kabataan sa Antique at Kalinga.

Mismong sina Mayor Atienza at MASCO chief Arnold Atienza ang mamu-muno sa karera na sisimulan sa Luneta kasama ang ilang opisyal ng city hall, kinatawan ng 897 barangays at anim na congressional districts, top sports officials ng bansa, pinuno ng iba’t ibang various national sports associations at ng mga national athletes.

Ang mga runners mula sa buong Kamaynilaan, Paman-tasan ng Lungsod ng Maynila, City College of Manila, EARIST, TUP, PUP, San Sebastian, Mapua, St. Benilde, ang130 public elementary at secondary schools, maging ng iba’t ibang school leagues ay susuporta sa karerang ito na suportado din ng Nike, PAG-COR, PCSO, Philippine Sports Commission, Milo, Super Ferry, Gatorade, San Miguel Corp., IntrASports, at Concept Movers.

Mapupuno naman ng kan-tahan, sayawan at musika ang Quirino Grandstand sa award-ing ceremony kung saan may kalahating milyong peso ang ipamamahagi sa mga pa-ngunahing winners na sisi-mulan sa ganap na alas-4 ng madaling-araw na tataha-kin ang mga kalsada at maka-saysayang distrito mula sa Luneta ( sa pagitan ng Rizal Monument at Quirino Grand-stand) patungong Tondo, Binondo, Intramuros, Ermita, Quiapo, Sta. Cruz, Sampaloc, Sta. Mesa, Pandacan, Paco, Sta. Ana, San Andres, Singa-long, Malate at pabalik ng Rizal Park.

vuukle comment

ARNOLD ATIENZA

BIG CITY

CITY COLLEGE OF MANILA

CONCEPT MOVERS

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORD

LUNETA

MANILA MARATHON

MAYNILA

MAYOR ATIENZA

RIZAL PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with