Humataw din ng anim na assists at tatlong steals si Rosales para sa Baby Tams, na nagbabalik sa aksiyon sa UAAP high school matapos mag-leave of-absence noong 1996.
Sa ikalawang laro, nagtala si John Daryl Basa ng 16 puntos at nag-ambag sina Julius Reyes at Jonathan Sarsonas ng 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod para naman sa UST Baby Tigers na nanaig sa UPIS, 69-68.
Nanguna para sa UP Preps sina Santos An-drew Marfori na tumikada ng 20 puntos, 16 kay Francis Miguel Maniego at 11 naman mula kay Jacques Andre Bautista.