^

PSN Palaro

'Alay ni Mayor sa Makati' ang Game 1

-
Magkakaroon ng bibihirang pagkakataon ang mga taga-Makati na makapanood ng top-notch volleyball action ng libre sa pagtatanghal ng 2005 Shakey’s V-League First Conference finals sa pagitan ng defending champion University of Santo Tomas at De La Salle University sa Makati Coliseum sa July 4 ganap na alas-3:00 ng hapon.

Ang V-League finals na tinaguriang ‘Alay ni Mayor sa Makati’ ay bukas sa publiko na paraan ng pasasalamat ni Mayor Jejomar Binay at ng kanyang maybahay na si Mrs. Elenita Binay na dati ring Mayor ng Makati, sa kanilang mga constituents na patuloy na sumusuporta sa kanila.

Magandang regalo ang Shakey’s V-League dahil sa mataas na antas ng volleyball action tampok ang mga babaeng volleyball players na inaasahan ng nag-organisang Sports Vision Management Group, Inc. na kagigiliwang panoorin ng publiko kung saan maghaharap sa best-of-three series ang UST at ang De La Salle University.

ANG V-LEAGUE

DE LA SALLE UNIVERSITY

MAKATI

MAKATI COLISEUM

MAYOR JEJOMAR BINAY

MRS. ELENITA BINAY

SHAKEY

SPORTS VISION MANAGEMENT GROUP

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

V-LEAGUE FIRST CONFERENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with