^

PSN Palaro

PBA Finals Game 1 SMBeer vs Talk N Text

-
Hanggang ngayon, wala pang kasiguruhan kung makakalaro o hindi ang kontrobersiyal na Fil-Tongan na si Paul Asi Taulava sa championship series ng Gran Matador PBA Fiesta Conference na magsisimula na ngayon sa Araneta Colesium.

Iisa lamang ang natiti-yak ng San Miguel Beer at ng Talk N Text. Kailangan nilang manalo ng apat na laro upang makuha ang titulo.

Alas-7:35 ng gabi nakatakda ang Game-One ng best-of-seven championship series sa Araneta Coliseum.

Ngunit bago ito, magsasagupa muna ang Red Bull at Shell sa alas-4:45 ng hapon para sa konsolasyong ikatlong puwesto matapos masibak ang mga ito sa semifinals.

Kapwa tinapos ng Beermen at ng Phone Pals ang kani-kanilang best-of-five semifinal series laban sa Barakos at Turbo Chargers sa 3-1 panalo-talo.

Ito ang kauna-unahang back-to-back finals appearance ng Talk N Text sa kasaysayan ng kanilang prangkisa nang manahin nila ang prangkisa ng Pepsi noong 1996 Commissioners Cup, ikatlo sa ilalim ni coach Joel Banal at ikalima sa kabuuan.

Tangka ng Talk Text ang kanilang ikalawang conference title para masundan ang 2003 All-Filipino Cup title at ikatlo kung isasama ang side-tournament ng Governors Cup na Centennial Cup noong 1998.

Nasa ika-siyam na finals appearance naman ang San Miguel sa ilalim ni coach Jong Uichico at 27th overall mula noong 1975.

Huling nasa finals ang Beermen noong 2003 kung saan natalo sila sa Coca-Cola sa Reinforced Conference at uhaw na sila sa titulo upang dagdagan ang kanilang koleksiyong 16-titles. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ALL-FILIPINO CUP

ARANETA COLESIUM

ARANETA COLISEUM

BEERMEN

CARMELA V

CENTENNIAL CUP

COMMISSIONERS CUP

FIESTA CONFERENCE

GOVERNORS CUP

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with