^

PSN Palaro

La Salle vs UST sa V-League finals

-
Naitakda ng La Salle at University of Santo Tomas ang kanilang ikatlong title showdown sa Shakey’s V-League matapos ang hiwalay na panalo sa semifinals ka-hapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Ginamitan ng La Salle ang Ateneo ng power game tungo sa 25-15, 29-27, 25-19 panalo habang dumaan naman sa butas ng karayom ang UST Tigresses bago hagutin ang 25-13, 20-25, 27-25, 27-25 panalo laban sa San Sebastian Lady Stags.

Agad nanalasa ang Lady Archers upang paamuhin ang Lady Eagles ay nakabangon sa bingit ng pagkulapso sa ikalawang set bago ibinuhos ang lahat ng kanilang puwersa sa ikatlong frame upang makumpleto ang straight-set victory at magkaroon ng tsansa sa titulo.

Dahil sa 4-1 (win-loss) slate, nakarating ng finals ang La Salle at Tigers bagamat may isang playdate pa na natitira sa double-round semis.

Bumagsak ang Ate-neo sa 2-3 karta.

Pinakawalan ni MVP Michelle Carolino ang kanyang 18 hits via kills upang panatilihing nasa tamang landas ang Lady Archers sa kanilang kampanya sa back-to-back title sa event na ito na sponsored ng Sha-key’s Pizza katulong ang Accel, Mikasa, Dunkin‚ Donuts, IBC-13 at Jemah Television.

Ang finals ay gaganapin sa July 4 upang bigyang daan ang pag-tatanghal ng World Volleyball Grand Prix na nakatakda sa July 1-3 sa PhilSports, ayon sa nag-organisang Sports Vision Management Group, Inc.

vuukle comment

JEMAH TELEVISION

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

MICHELLE CAROLINO

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN SEBASTIAN LADY STAGS

SPORTS VISION MANAGEMENT GROUP

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

WORLD VOLLEYBALL GRAND PRIX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with