Hawak ng UST ang impresibong 25-13, 28-26, 25-20 panalo laban sa San Sebastian sa panimula ng double-round semis phase na ito noong nakaraang Saba-do kung saan hindi rin nagpahuli ang Ateneo nang humataw rin sila ng panalo laban sa paborito at elims topnotcher La Salle, 19-25, 25-15, 25-23, 25-17.
At ngayong alas-5 ng hapon, malalaman sa pagtatapos ng engku-wentro ng Lady Eagles at Tigresses kung sino sa kanila ang mas matikas kung saan inaasahang ang kanilang laban ay punom-puno ng excite-ment hindi lang para masolo ang pangunguna sa tournament na ito na hatid ng Shakeys Pizza at inorganisa ng Sports Vision Management Group Inc.
Nauna rito, sisikapin naman ng Lady Archers na makabangon mula sa kanilang nalasap na ikat-long sunod na pagkatalo sa kanilang pakikipagla-ban sa Lady Stags na tinatayang maglalabas rin ng matalim na pangil upang ibangon ang kani-lang respeto sanhi ng naging kabiguan sa mga kamay ng Tigresses.
Nakatakda ang sagu-paan ng La Salle at San Sebastian sa alas-3 ng hapon na ipalalabas sa IBC-13 simula sa alas-7 ng gabi, habang ang UST-Ateneo encounter ay ipa-lalabas bukas sa ganap na alas-7 rin ng gabi.
Matapos ang kanilang akyat-babang kampanya sa eliminations, ipinama-las naman ng UST ang kanilang mapanganib na porma nang kanilang pagpagin ang Lady Stags, ang siyang pinaka-malaking pagyanig sa event na ito na suportado rin ng Accel, Mikasa, Dunkin Donuts, IBC-13 at Jemah Television.