Napalunan ni Pacquiao ang World Boxing Council (WBC) Continental Americas super-featherweight title sa pamamagitan ng seventh-round TKO matapos sumuko si Navarro. Noong ikaanim na round ay bumagsak si Navarro matapos tumanggap ng isang matinding tama sa sikmura.
Ngunit imbes na bilangan ng referee na si John Schorle ay tinanggalan pa ng isang puntos si Pacquiao dahil sa mababa daw ang tama. Subalit kitang-kita sa slowmotion replay na hindi mababa ang suntok.
Ilang oras matapos ang laban ay nakatanggap ng tawag sa telepono si Antonio L. Aldeguer ng Cebu mula kay Mike Koncz at panay ang pasasalamat nito sa top boxing man ng Cebu.
Isang buwan kasing nanatili sa Cebu si Pacquiao bago ito dinala ni Koncz sa Amerika noong Lunes.
Ilan sa mga ka-isparing ni Pacquiao sa Cebu ay sina Bart Abapo at Cesar Amonsot na parehong featherweight, welter Dondon Sultan at maging si Rey Bautista, ang wala pang-talong bantamweight.
Ang panalo ay nagbigay sigla kay Pacquiao na ngayon ay may hawak na 22-11-3 panalo-talo-tabla na karta. Ang knockout na panalo kay Navarro ay naging pang-11 ng Pilipino counter-puncher.
Si Navarro naman ay nalugmok matapos makitang dumausdos ang kanyang record sa 26-4-1 na mayroong 21 knockout.
Wala halos naniwala na kakayanin ni Bobby si Navarro hindi lamang dahil papataas itong si Navarro ngunit dahil sa masama ang ikinilos ni Bobby nang ito ay lumaban ng huli noong Pebrero sa Pattaya, Thailand, kung saan ito ay inilampaso ni Fabbrakob Rakkiatgym ng Thailand.