^

PSN Palaro

Bigating korporasyon sali sa JVC Open

-
Hindi lang pagpapakita ng mga mahuhusay na manlalaro ang nalalapit na pagtatanghal ng JVC Open Badminton Championships, kundi magtatampok rin ito sa top corporations sa bansa sa team tournament na may nakatayang P50,000 sa mananalo simula sa July 4 sa Glorietta Activity Center.

Inaasahang idedepensa ng AB Leisure ang kanilang korona na napagwagian noong nakaraang taon, at siguradong magbibigay rin ng mabigat na laban ang runner-up na The Philippine Star at iba pang mahuhusay na koponan gaya ng PLDT, Meralco, ABS-CBN, JG Summit, RCBC, Pilipinas Shell, Philippine Airlines, Inc., Del Monte, Asian Development Bank at Philam Life.

Ang iba pang koponan na magpapakita ng aksiyon ay ang Johnson & Johnson, Shell Exploration, Epson, Prudentialife, Total, Citibank, HSBC, JVC, New Zealand, Allied Bank at Globe.

Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan kung saan itinakda ang huling araw ng patalaan sa June 15, ayon sa organizing IMG. Ang entry fee ay P2,500 sa bawat koponan na puwedeng magpadala ng minimum na 6 players (3 men, 3 women) hanggang sa maximum na 10 (5 men, 5 women). Ang iba pang events na paglalabanan ay ang elite (masters) elite (non-pro), juniors para sa 16-and-under players, at veterans (elite at novice).

Tampok rin sa annual event na ito na itinataguyod ng giant electro-nics firm JVC (PHILS.), Inc., ang High School team invitational tampok ang girls team mula sa Poveda, La Salle Greenhills boys‚ squad, at boys at girls teams mula sa Sienna College, University of Perpetual Help-Laguna at University of Santo Tomas. Ang mananalo sa kategoryang ito ay tatanggap ng P10,000.

Umabot na sa record na mahigit sa P1 milyon ang nakataya sa dalawang linggong event na ito na suportado rin ng Alaska, Gosen, Rudy Project, Technomarine, Lactacyd, Pioneer, Akari, Tokyo Tokyo, Aktivade, The STAR, Pinoy Exchange, Ayala Center, Power Smash, Accel, 102.5 Klite, 89.9 Magic at Solar, na pormal na magsisimula sa June 26 para sa elimination round sa Powersmash.

vuukle comment

ALLIED BANK

ASIAN DEVELOPMENT BANK

AYALA CENTER

DEL MONTE

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

HIGH SCHOOL

LA SALLE GREENHILLS

NEW ZEALAND

OPEN BADMINTON CHAMPIONSHIPS

PHILAM LIFE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with