Umaatikabong bakbakan ng DLSU at UST ngayon
May 30, 2005 | 12:00am
Isa na namang klasi-kong bakbakan ang ma-sasaksihan sa pagpapa-tuloy ng aksiyon sa 2005 Shakeys V-League first conference sa pagha-harap ng mahigpit na magkaribal na La Salle at University of Santo Tomas sa Rizal Coliseum.
Bagamat angat ang Lady Archers ng dala-wang laro kontra sa defending champions, patas ang laban sa ganap na alas-5 ng hapon kung saan asam ng Tigress na pigilan ang pananalasa ng La Salle habang sisi-mulan na rin nilang maka-bangon sa hindi magan-dang panimula.
Iginupo ng Lady Archers ang nangungu-nang San Sebastian spikers sa lopsided 25-23, 25-18, 25-20 panalo noong Sabado at agawin ang trangko sa kanilang 4-0 marka.
Muling sasandal ang La Salle sa malakas na tambalan nina Maureen Penetrante at Michelle Carolino sa kanilang pakikipagtagpo sa mala-kas na pares din ng Tigress na sina Roxanne Pimentel at Mary Jean Balse.
Samantala, tangka ng Ateneo na manatili sa kanilang ikatlong puwesto sa kanilang pakikipag-laban sa Lyceum College sa ganap na alas-3 ng hapon sa event na hatid ng Shakeys Pizza at suportado ng Accel, Mikasa, IBC 13 at Jemah Television.
Suportado ng maga-ling na troika nina Mi-chelle Laborte, Amelia Guanco at Cecille Ta-buena, naungusan ng Lady Eagles ang upset-conscious Lady Tama-raws, 28-30, 25-20, 25-21, 28-26, upang okupa-han ang No. 3 spot na may 3-2 record.
Sa kabilang dako kulelat naman ang Lady Pirates na wala pang panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended