^

PSN Palaro

Lady Tams sinakmal ng Lady Eagles

-
Nakipagsayaw ang Ateneo sa panganib at nangailangan ng tatag sa ikaapat na set tungo sa 28-30, 25-20, 25-21, 28-26 panalo laban sa Far Eastern U para sa solong ikatlong puwesto sa 2005 Shakey’s V-League first conference sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Nagsosyo sina Amelia Guanco, Michelle Laborte at Cecille Tabuena sa 22 puntos lamang ngunit ang kanilang pagpasok ang kailangan ng Lady Eagles lalo na sa huling tatlong sets upang malusutan ang ilang beses na pagtatang-kang rally ng Lady Tamaraws.

Ito ang ikatlong panalo ng Ateneo na may dalawang kabiguan.

Sa ikalawang laro, ipinakita ng La Salle ang pangkampeonato nilang porma nang igupo nila ang San Sebastian Lady Stags, 25-23, 25-18, 25-20.

Ito ang ikaapat na panalo ng La Salle sa gayundin karaming laro na naglagay sa kanila sa tuktok, habang nalasap naman sa San Sebastian ang unang kabiguan.

Sa katunayan, ang mga varsity players na sina Rosario Soriano at Patricia Taganas ang nanguna sa atake ng Ateneo sa kanilang 14 at 11 hits, ayon sa pagkakasunod ngunit hindi sumuko ang Lady Tama-raws at nangailangan ang Lady Eagles ng tulong ng tatlong bayani.

AMELIA GUANCO

ATENEO

CECILLE TABUENA

FAR EASTERN U

LA SALLE

LADY EAGLES

LADY TAMA

LADY TAMARAWS

MICHELLE LABORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with