La Salle solo lider uli
May 22, 2005 | 12:00am
Binugbog ng La Salle ang kulang sa tao na Lyceum at iposte ang ikatlong sunod na panalo sa pamamagitan ng 25-16, 25-20, 25-23 at muling agawin ang solo liderato sa 2005 Shakeys V-League first conference sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Pinamunuan nina Maureen Penetrante at Desiree Hernandez ang matinding atake ng La Salle sa pinagsamang 24 hits kabilang na ang 18 sa kills nang irolyo ng Lady Archers ang ikatlong sunod na panalo sa torneong ito na hatid ng Shakeys Pizza.
Masama ang laro ni Michelle Carolino nang gumawa lamang ng 5 puntos ang 2004 second conference MVP.
"Medyo naga-adjust pa kami ng kaunti, hindi pa kasi kami nakaka-practice masyado as a team dahil ang iba sa amin nasa national team," ani La Salle coach Ramil de Jesus, siya ring gigiya sa RP womens squad na kabibilangan din nina Carolino at Penetrante sa 23rd Southeast Asian Games na nakatakda sa Nov. 27-Dec. 5 dito.
Nalasap naman ng Lady Pirates ang kanilang ikatlong kabiguan na naramdaman ang pagkawala ng hitter nila na si Angelica Bigcas at ng libero na si Shella Marga.
Muling na-injured ang kanang balikat ni Bigcas, best scorer sa first confe-rence noong nakaraang taon, sa kanilang ikalawang kabiguan sa defending champion University of Santo Tomas noong Huwebes sa Lyceum Gym, habang hindi naman puwede si Marga.
Tinangkang punan ni Charissa Fe Genido ang posisyon nang magpakawala ito ng 10 kills ngunit hindi sapat ang kanyang kakayahan para sa kanyang mga kakampi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended