Si Abaniel, gold medal winner sa Taiwan International Invitational, ay nangailangan lamang ng 36 segundo sa ring upang dispatsahin si Marian Avesperos ng Puerto Princesa City (PPC)-A sa referee-stopped-contest-outclass decision sa semifinal round ng female pinweight division.
Si Abaniel, na nakapuwesto sa national team noong nakalipas ng dalawang taon matapos ang impresibong ipinakita sa taunang national open ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) na pinamumunuan ni Manny Lopez, ay umusad sa finals laban sa magwawagi naman sa pagitan nina Alice Cate Aparri at Josie Gabuco.
Hindi naman naging maganda ang gabi ng mga bataan nina Rep. Antonio Floirendo at Mayor Edward S. Hagedorn.
Bagamat mga paborito, apat na boksingero mula sa Panabo at 9 sa PPC ang namaalam sa posibleng gold medal matapos malaglag sa kanilang mga laban sa semis sa isang linggong torneo na inorganisa ng ABAP at supor-tado ng City Government ng Puerto Princesa sa pamama-gitan nina Hagedorn at Kagawad Roger Castro.
Umabante sa finals sina Cadets Jaime Quitoriano (flyweight), Charlie Suarez (light bantamweight), Ruel Adog (bantam) at junior light pinweight Glen Canteveros, lahat ng Panabo City.
Si Cadet flyweight Elmer Hugo ang tanging nagningning sa PPC bagamat umabante sa semis ang mga kakamping sina Lordvemen Bautista at Marvin de Asis (junior light-flywright), school boys Mark Terefrancia (mosquito) at Kim Padul (light paper).
Umeksena naman sa finals berth sina Noriel Nacionales ng Sarangani (light pin); Julius Espilita (light pin) at BJ Dolorosa (light fly) ng Cadiz, Ronel Jabel ( pin) at Romel Asenso (pin) ng Cotabato; Froilan Saludar (pin) at Robert Udtujan (light bantam) ng Kapalong ; Wilson Haya (feather) at Jill Lubaton, Jr. (light fly) ng South Cotabato; John Al Salon (lightfly) ng Camiguin; Glicerio Catolico III ng (light bantam) ng Baguio, Swanny Valencia (light pin) ng Pala-wan at Redentor Mabras (light bantam); at Silvestre Virtudazo (bantam) ng ComVal.