Suntukan na
May 17, 2005 | 12:00am
PUERTO PRINCESA CITY Paghahanap para sa kauna-unahang Pinoy Olympic gold medal winner sa sports na may potensiyal na makakuha ng mailap na ginto ay magsisimula na sa 21 bouts ng 2005 National Youth and Womens Amateur Boxing Championships.
Ang hinaharap ng Philippine boxing mula sa 25 koponan na kakata-wan sa 22 local government units mula sa buong bansa ay maglalaban-laban sa susunod na pitong araw para sa titulo sa 11 divisions sa Kids category, 16 sa School Boys, 13 sa Cadet at 12 sa Juniors, bukod pa sa 13 sa Womens boxing.
Ipinaliwanag ni Mayor Edward Hagedorn ang paghahanap na ito sa Olympic gold medal sa kanyang talumpati noong opening ceremonies.
At upang higit na mabigyan diin ang National Youth and Womens, magpapakitang-gilas si Ofelia Brin, asawa ni three-time Olympian Romeo Brin, ang kan-yang galing sa ibabaw ng ring sa kauna-unahang pagkakataon. Ang 26 anyos na guro sa San Rafael Elementary School at ina ng dalawa ay makakaharap si Asian champion at defending champion ng torneo na si Mitchelle Martinez sa nag-iisang womens lightweight bout.
Ang mga partisipante sa Kids ay gagamit ng 8 oz. gloves habang 12 ounces naman sa ibang kategorya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended