^

PSN Palaro

Barakos taob sa nabuong puwersa ng Aces

-
Nakalaro ang pitong players ng Alaska na kabilang sa mga sinus-pindi ng Philippine Basketball Association ngunit ang tanging player ng Aces na si Brandon Lee Cablay na nakapag-beat ng deadline ng PBA para sa pagsumite ng nire-require na dokumento, ay wala sa aksiyon.

Nagsilbing inspirasyon ng Aces ang pagkawala ni Cablay na nabalian ng buto sa kanyang kanang kamay sa PBA dual meet ng RP-Team at Sydney Kings kamakalawa upang hatakin ang 96-87 panalo kontra sa Red Bull kagabi sa pag-usad ng eliminations ng Gran Matador PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Kabilang sina Mike Cortez, Jefrrey Cariaso, Joachim Thoss, Willy Wilson, Rob Johnson, Rob Duat at Eugene Tejada sa siyam na manlalarong binigyan ng clearance ng PBA na maglaro kamakalawa bukod pa kina Dorian Peña ng San Miguel at Noy Castillo ng Pure-foods.

Muling bumandera si import Dickey Simpkins sa pagkamada ng 26-puntos at 18 rebounds na sinundan ng 17-puntos ni Mike Cortez tungo sa ikasiyam na panalo ng Aces sa 14-laro na nagbigay sa kanila ng solong ikalawang puwesto habang bumagsak naman ang Barakos sa 6-8 karta.

Samantala, makakapaglaro na si Danny Seigle sa San Miguel matapos bigyan ng clearance ng PBA kahapon kaya 10 sa 20 players na lamang ang nananatiling suspendido hanggang hindi nakakapag-pasa ng hinihinging dokumento ng liga.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyan naglalaban ang league leader na Talk N Text (9-4) at Purefoods (6-7). (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ARANETA COLISEUM

BRANDON LEE CABLAY

CARMELA V

DANNY SEIGLE

DICKEY SIMPKINS

DORIAN PE

EUGENE TEJADA

FIESTA CONFERENCE

MIKE CORTEZ

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with