^

PSN Palaro

Katatagan sa awtomatikong upuan sa semis, asam ng Jewels

-
Muling pagsisikapan ng Montaña na masungkit ang isa sa dalawang awtomatikong semis berths sa pagharap nila sa Bacchus Energy Drink, habang tangka naman ng Welcoat Paints na maka-bangon sa pagpapatuloy ng 2005 PBL Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Dalawa na lang sa tatlong laro ng Jewels ang kailangan nilang ipanalo upang masiguro ang kanilang puwesto sa semis, kaya’t nais ni coach Robert Sison na magwagi silang muli kontra sa Bacchus Energy Drink sa kanilang paghaharap ngayong alas-4 ng hapon.

Samantala, sa unang laro naman magtatapat ang Granny Goose Kor-nets kontra sa maghihiganting Welcoat Paints na nakatikim ng pagkatalo mula sa lumalakas na koponan ng Toyota Otis-Letran.

Malabo pa ring makapaglaro ang ace player na si Alex Compton, pagkatapos magtamo ng injury noong nakaraang linggo, ngunit hindi naman ito iniinda ni Sison, dahil kumpiyansa siyang dadalhin ng kanyang mga bata ang laban, katulad na lamang ng nangyari sa nagdaang panalo nila kontra sa Magnolia Dairy Ice Cream.

Ang panalong iyon ang nagbigay ng nangungunang trono sa Mon-taña na may 7-1 na record, samantalang ang Welcoat at Harbour Centre naman ay nagsasalo sa 6-2 win-loss cards at ang Toyota Otis naman ay nananatiling buhay sa pagbibitbit ng 5-3. Ang Magnolia Dairy Ice Cream at Granny Goose ay tabla sa 3-5 card na maaring mawala sa sirkulasyon kung hindi nila pagbubutihin sa quarterfinals.

Hindi inaasahan ni Sison na magiging madali ang kanilang laban sa Bacchus, lalo pa at kaila-ngan nilang siguruhin ang kanilang slot sa semis.

Samantala, sa mga nagnanais lumahok sa clinic ng (CSBO) Center for Scientific Basketball Officials, ang deadline ng pagpaparehistro ay sa Biyernes. Kailangan lamang magdala ng resume sa PBL Office sa Makati Coliseum. (Ulat ni Raquel Reyes)

vuukle comment

ALEX COMPTON

ANG MAGNOLIA DAIRY ICE CREAM

GRANNY GOOSE

GRANNY GOOSE KOR

HARBOUR CENTRE

MAGNOLIA DAIRY ICE CREAM

MAKATI COLISEUM

PASIG SPORTS CENTER

RAQUEL REYES

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with