UAE bagsak sa Pinas

Hindi hinayaan ng Pilipinas na makalusot sa kanilang kampanya ang kalaban na United Arab Emirates matapos nitong pataubin ang huli sa isang kumbinsidong 3-0, kaha-pon sa quarterfinals round ng Junior Davis Cup Asia-Oceania qualifying zone na ginanap sa Manila Polo Club covered court.

Pinangunahan ni Ralph Kevin Barte ang Pinoy netters matapos nitong hiyain ang pam-bato ng UAE na si Faisal Bastaki, 6-2, 6-0, sa unang  singles event.

Kasunod naman na nagbigay ng karangalan si Kyle Joshua Dandan para sa Pilipinas sa kan-yang matagumpay na paghataw kontra kay Hamad Ismail, 6-1, 6-2, sa ikalawang singles event.

Maliban dito ay nagsa-nib puwersa ang lakas nina Barte at Dandan upang igupo ang duo nina Khaled Al Hassani at Ismail, 6-1, 6-1 at tapusin ang nasabing tagumpay.

Dahil dito, ikalawang panalo agad ang naitala ng Pilipinas sa nasabing torneo kung saan kakalabanin naman nila ang India ganap na alas- 10 ng umaga ngayon, para ma-kaakyat sa  single round-robin quarterfinals  sa nasabing palaro.

Sa iba pang resulta, nakakuha naman ng unang panalo ang top seed na Australia mata-pos na biguin ang Uzbekistan, 3-0, sa  Group 1, ito ay sa pamamagitan ni world No. 88 Patrick Nicholls na humarap kay  Djanibek Orazaliev, 6-3, 6-2; kasunod nito si Joel Linder na nagpataob kay Viktor Kim, 6-2, 6-0; at ang doubles team nina Ste-phen Donald at Nicholls na siyang dumurog kina  Sergey Dulin at Orazaliev, 6-2, 6-1.

Show comments