^

PSN Palaro

Broze medal lang ang nakayanan ni Castro

-
Abot kamay na sana ni light flyweight Godfrey Castro ang panalo matapos na tamaan ang ilong ng kanyang kalaban, subalit ang lahat ay nauwi sa wala matapos na matalo sa flyweight semifinals encounter sa Ahmet Comert International Boxing Championships noong Miyerkules ng gabi sa Istanbul, Turkey.

Naging biktima rin ang 20-anyos na si Castro, bagamat batid nito na ang Team Philippines ay biktima ng kuwestiyonableng scoring, maging ng mga referee na ipinadala dito bagamat binigyan si Jarsenbayev Mirat ng Kazakhstan ng mandatory standing eight-counts sa second at third rounds, nakamit pa rin ng Pinoy ang 27-41 pagkatalo.

"Walang kuwenta ang boxing dito," wika ni Team Philippines coach Boy Velasco kay Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Manny T. Lopez sa isang overseas telephone call.

"Kita ng lahat na panalo si Castro at nagsisigawan ang mga nanonood na Philippines win, Philippines win dahil ilang beses nga na na-groge ang kalaban."

Bunga ng pagkatalo, nakuntento na lamang si Castro sa bronze medal na isang konsolasyon para sa six-man squad kung saan uuwi sila ng bansa na dala ang masamang karanasan.

ABOT

AHMET COMERT INTERNATIONAL BOXING CHAMPIONSHIPS

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BOY VELASCO

BUNGA

GODFREY CASTRO

JARSENBAYEV MIRAT

KAZAKHSTAN

MANNY T

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with