^

PSN Palaro

San Miguel Asian 9-Ball Tour dadako sa Kaohsiung

-
KAOHSIUNG, Taiwan – Ipagpapatuloy ng top cue artists ng bansa ang kani-kanilang dominasyon sa Asia sa natatanging premier 9-ball tour sa pagtigil ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa southern Taiwanese city ng Kaohsiung mula sa Abril 29 hanggang May 1.

Matatandaan na ipinamalas ng Filipinos ang kanilang dominasyon sa unang dalawang yugto ng Tour nang magwagi si Gandy Valle sa Singapore noong nakaraang buwan, habang nanalasa naman si Efren ‘Bata’ Reyes sa Jakarta,Iindonesia nitong kaa-gahan ng kasalukuyang buwan. Si Reyes na nanalo rin sa limang legs sa tatlong taong tournament ay mu-ling magiging seeded number one kung saan gagana-pin ngayon ang draw sa Kaohsiung Business Exhibition Center.

Sina Reyes at Valle ay makakasama nina Fran-cisco ‘Django’ Bustamante, Leonardo Andam at new-comers na sina Christopher Bombita at Ronato Alcano sa event na ito na organized ng ESPN STAR Sports.

Babanderahan naman ang hometown bets nina Chao Fong Pang, Yang Ching Shun at Wu Chia Ching ang impresibong cast ng Asian pool players na haha-mon sa Filipinos para sa nakatayang US$10,000 (P540,000). Ang main draw ay kabibilangan ng 32 top Asian players mula sa 11 bansa.

Ang San Miguel Asian 9-Ball Tour ang natatanging tour sa Asia para sa mga players na magku-qualify sa World Pool Championships. Ang top ten sa pagta-tapos ngayong taong Tour ang siyang awtomatikong eentra sa World Pool Championships. Sina Valle at Reyes at kasalukuyang ranked number one at two, ayon sa pagkakasunod matapos ang dalawang legs.

ANG SAN MIGUEL ASIAN

BALL TOUR

CHAO FONG PANG

CHRISTOPHER BOMBITA

GANDY VALLE

KAOHSIUNG BUSINESS EXHIBITION CENTER

LEONARDO ANDAM

REYES

RONATO ALCANO

WORLD POOL CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with