2 Pinoy boxer inalat agad
April 26, 2005 | 12:00am
Naging masama ang panimula ng kampanya nang Team Philippines noong Sabado matapos na ang dalawa mula sa pito-kataong boxing squad ay pawang nakatikim ng kamalasan sa pagsisimula ng Ahmet Comert International Boxing Championships sa Istanbul, Turkey.
Natalo ang nagbabalik na Olympian na si Rey-naldo Galido kay Adem ng Turkey ng ga-buhok lamang sa welterweight division, 17-18, habang natikman naman ni Warlito Parrenas ang 27-22 kabiguan sa mga kamay ng isa pang Turk na si Aydenir sa flyweight class.
Habang katanggap-tanggap ang pagkatalo ni Parrenas nina Filipino coaches Boy Velasco at Vicente Arsenal at team leader Liberato Reyna, taliwas naman ito sa naging kapalaran ni Galido na ipinagbunyi ng mga Turkish boxing fans.
Kontrolado ni Galido, sumabak sa 1996 Atlanta Olympics bilang light welterweight ang four-round bout mula sa opening bell, kung saan pinaulanan niya ang Turkish rival ng mga solidong suntok sa kata-wan at matinding kumbinasyon sa mukha.
At habang sinisikap ng Turk na mag-counter-punch sa bawat bigay ng Pinoy pug, nananatiling ibinigay ng mga judges ang panalo sa kalaban ni Galido.
"Ganyan talaga ang boxing. Akala natin panalo na tayo pero ang tingin ng mga judges, talo," pahayag ni Velasco, na nagbanta na kanyang ipro-protesta ang naging puntusan sa laban ni Galido.
Magbabalik ang kampanya ng Team Philippines sa Sabado kung saan tatlo pang boxers--sina bantamweight Joan Tipon, lightweight Gene-bert Basadre at light welterweight Mark Jason Melligen ang aakyat sa ibabaw ng lona.
Makakasagupa ni Tipon ang pambato ng host country na si Ozgar, sasagupain naman ni Basadre si Malat ng Hungary at titipanin ni Melligen si Hammed ng Israel.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am