^

PSN Palaro

ABAP Go-For-Gold ibabalik ng Touch Mobile

-
Sa pakikipagtulungan ng Touch Mobile, ibabalik ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) ang grassroots development program sa pagbabalik din ng boxing competition on wheels.

Ang programa na kikilalaning Touch Mobile Go-For-Gold ay titigil sa Barangay Pamarawan sa Malolos, Bulacan kung saan iho-host ni Mayor Danilo Domingo ang 12 bout card at isasa-ere sa NBN-4 tuwing Sabado mula alas-7 hanggang alas-8:30 ng gabi.

Ang laban ay tatampukan ng dalawang laban sa kababaihan sa Sabado, simula alas-3 ng hapon na may pitong laban na nakatakda sa pagitan ng Davao City at Philippine Navy.

"The initial staging of the Touch Mobile Go-For-Gold will be a dual meet between aspiring boxers from Davao City and new talent from the Philippine Navy," paliwanag ni ABAP president Manny Lopez.

Nagpapasalamat ang ABAP sa pagtulong ng Touch Mobile bilang benefactor sa programang ito na matagal nawalan ng suporta. At dahil sa supor-tang ito ng Touch Mobile, maipagpapatuloy na ang programa na nakagawa ng tulad nina Roel at Onyok Velasco, Bobby Jalnaiz, Lerio Brothers, Harry Taña-mor at maging ng mga miyembro ng national training pool sa ngayon.

Limang laban kabilang na ang flyweight duel sa pagitan nina Annie Albania ng South Cotabato at Analiza Cruz ng Mindoro, at Angelita Bautista ng Navy at Jhoren dela Rosa ng FEU ang magpapa-init sa boxing card.

vuukle comment

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANALIZA CRUZ

ANGELITA BAUTISTA

ANNIE ALBANIA

BARANGAY PAMARAWAN

BOBBY JALNAIZ

DAVAO CITY

PHILIPPINE NAVY

TOUCH MOBILE

TOUCH MOBILE GO-FOR-GOLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with