MY Games: Kamaynila District 4 pumalo ng apat na gintong medalya
April 22, 2005 | 12:00am
Gumawa ng ingay ang Kamaynila Dictrict 4 sa Manila Youth Games matapos kumopo ng limang gintong medalya sa lawn tennis event habang ipinagpatuloy naman ng Villegas High School ang kanilang dominasyon sa baseball matapos makopo ang kanilang ikaapat na sunod na titulo kahapon.
Pumukaw ng pansin ang mga tenista ng Kamaynila District 4 sa Rizal Tennis Center matapos ang panalo nina Julie Base sa girls 17-years-under, Zhane Quitara sa girls 15-under, Macy Gonzales sa girls 12-under, Rommel Openiano sa boys 17-under at Deo Talatayod sa 10-years under unisex singles.
Dinurog naman ng Villegas ang Laurel High School, 16-2 upang kumpletuhin ang four-game sweep para sa kanilang kauna-unahang gold sa Palarong ito na suportado ng Red Bull, San Miguel, Globe Telecom, Solar Sports, Super Ferry, Milo, IntraSports, Concept Movers, PSC, PAGCOR at Air21.
Hindi pa rin natinag sa pangkalahatang pamumuno ang Jose Abad Santos na may 16-golds, 5-silver at 5-bronze kasunod ang Barrio Obrero Elementary School na may 12-4-7 gold-silver-bronze medals.
Nasa ikatlong puwesto ang A.C. Herrera Elem. Sch. (8-12-10) kasunod ang dating leader na Tondo High School (8-7-3) at Kamaynila 1 (6-5-1).
Nanganganib ang liderato ng Jose Abad-Binondo sa pagsisimula ng medal rich swimming events sa Rizal Memorial Pool at athletics sa track oval ngayon kung saan may tsansang makahabol ang ibang teams. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended