Miyembro ng RP National pool hinati na
April 21, 2005 | 12:00am
Dadalhin ng dalawang RP teams ang pangalan ng San Mig Cafe sa tatlong araw na pocket tournament na magsisimula sa Linggo.
Inihayag kagabi ni National team coach Chot Reyes ang lineup ng dalawang koponan kung saan dalawang bagong pangalan ang nakasama sa listahan--sina Brandon Lee Cablay at Fil-Am Kelly Wilson.
Kasama si Wilson sa Team A na kinabibilangan nina Dondon Honti-veros, Romel Adducul, Mike Cortez, Willy Miller, Ren Ren Ritualo, Sonny Thoss, Danny Seigle, Kerby Raymundo at Yancy de Ocampo.
Sa Team B naman si Cablay at makakasama sina Enrico Villanueva, Jimmy Alapag, Rafi Reavis, Anthony Washington, Nic Belasco, Eric Menk, James Yap, Mark Caguioa at Tony Dela Cruz. Inilagay ni Reyes sa listahan sina Cablay at Wilson na kinuha niya mula sa kanyang scouting trip sa Detroit, bilang kapalit ng mga injured na sina Jayjay Helterbrand at Dorian Peña.
Ngunit nilinaw ni Reyes na hindi nangangahulugang wala na sa national pool sina Helterbrand at Peña.
"Were going all out to win but our main objective is to know where our preparations is right now," wika ni Reyes.
Makakalaban ng national team ang Iran na kinabibilangang apat na National team members at Italy na magpapadala ng bata at matangkad na koponan.
Ayon kay Reyes, magandang sukatan ng kahandaan ng Pambansang koponan ang torneong ito dahil sa naiibang brandng basketball na dala ng dalawang dayuhang koponan.
Sinabi rin ni Reyes na wala silang ginawang scouting ukol sa Iran at Italian team. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest