Pinamunuan ng 13 anyos na si Emil Limpio, incoming freshman student ang kampanya ng nasabing paaralan makaraang kumulekta ng tatlong gintong medalya sa pangingibabaw sa horse vault, floor exercise at all-around individual sa 12-15 years old category.
"Ito po ang unang pagsali ko sa MY Games. Ang tatay ko pong si Erindo (welder) ang tumutulong sa akin para pasukin ang sports na ito," sabi ni Limpio.
Dinomina naman ni John Vincent Aproda, incoming senior high school student, ang 12 under level nang magtala din ito ng tatlong gintong medalya--una sa floor exercise, ikalawa sa horse vault at all-around individual.
"Si Bea (Lucero) po ang idol ko. Nagkaroon ako ng interes sa gym-nastics dahil po sa kanya,"wika naman ni Aproda.
Ang dalawa pang gold ay mula kay Erica Jane Pana sa girls individual all-around at balance beam ng womens artisitc girls 13-15 level para sa kabuuan nilang walong gintong medalya habang sinusulat ang balitang ito.
Limang ginto naman ang isinubi ng Bario Obrero elementary School sa unang araw ng gymnastics event habang tigatlo naman ang Villegas National High School, A.C. Herrera School, C.E. S. District 1 at Gregorio Perfecto Elementary School.
Bumandera si Ron Ed Estrada para sa Gregorio Pecfecto High School nang humakot din ito ng tatlong ginto sa mens division. Ang 17 anyos na si Estrada ay nangibabaw sa floor exercise sa kanyang 7.65 points, horse vault (7.65) at all-around event (15.30).
Samantala ang Araullo High School naman ang nagbida sa cheering competition matapos makalikom ng kabuuang 76.45 points laban sa paboritong Jose Abad Santos High School (73.75) at St. Scho-lasticas College (63.75). (Ulat ni CvOchoa)