3 pang Pinoy jins bigo
April 16, 2005 | 12:00am
MADRID -- Ilang serye ng hindi inaasahang kabiguan ang tumama sa kampanya ng Philippine-Petron taekwondo team noong Huwebes, gayunpaman, nananatili pa rin ang nalalabing Filipino bets na makakahatak ng magandang pagtatapos sa World Championships sa Palacio De Deportes dito.
Nabigo si Olympian Tshomlee Go na maipaghiganti ang kanyang nakaraang kabiguan sa long-time Iranian tormentor, habang biktima naman ang Vietnam Southeast Asian Games gold medalist na si Dax Alberto Morfe ng masamang desisyon at dumanas naman ang teener na si Aphrodite Brillantes ng injury sa ikaapat na araw ng aksiyon.
Nailagan ni Morfe, na paborito ng mga organizer bilang malakas na contender sa middleweight class, ang round house kick sa kanyang mukha ni Venezuelan Jimenez Kleiver sa second round tungo sa 7-6 panalo.
At habang naghihintay ng kanyang ikalawang laban sa warm-up area, dumating ang kanyang kalaban kasama ang organizing staff upang ipaalam sa kanya na ang naging resulta ng kanilang laban ay binaligtad ng arbitrary committee.
"Nagwa-warm up na ako ng malaman ko na hindi ako ang panalo. Nagulat ako, itinaas ng referee ang kamay ko tapos hindi ako lalaban. Hindi nga makatingin sa akin ng diretso yung Venezuelan," pahayag ng dismayadong si Morfe, na umaasa na ang kanyang panalo sa event na ito ay magsisilbing maagang regalo para sa kanyang mapapangasawa na si dating national Margarita Bonifacio.
Ang magkasintahan na kapwa nanalo ng gintong medalya sa naka-raang edisyon ng SEAG ay nakatakdang magpakasal sa Abril 23.
Agad ding nagtungo ang head of delegation na si Noli Gabriel at coaches na sina Jesus Morales III, Noel Veneracion at Stephen Fernandez sa committee upang maghain ng counter protest, subalit ibinasura ito ng committee.
Nakipagsabayan naman si Go kay Khodad Behrad mula sa simula hanggang sa matapos ang kanilang labanan at abot kamay na nito ang kanyang paghihiganti mula sa nakalipas na kabiguan, ngunit sa isang ikot sa huling 30 segundo ng third round, nagpabagsak ang Iranian ng sipa na dumapo sa Pinoy Olympian sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.
At ang higit na masakit ay ang makitang umiiyak si Brillantes nang siya ay bumagsak sa floor matapos na mabali ang kanyang kanang tuhod dahil sa masamang bagsak sa first round ng kanilang sa-gupaan ni Turkish Ergen Ulku. Itinigil ng referee ang laban kung saan angat ang Turkish, 3-8.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended