Misyon ni Tañamor may linaw
April 11, 2005 | 12:00am
Ilang hakbang na la-mang at matutupad na ang misyon ni Harry Taña-mor na maging matagum-pay ang kanyang pagba-balik noong Sabado ng gabi matapos na bugbu-gin si Muanton Budee ng Thailand Team B at isalba ang kampanya ng Team Philippines sa 26th Kings Cup International Boxing Championships sa Bangkok, Thailand.
Umiskor si Tañamor ng tatlo mula sa kanyang apat na suntok sa tamang oras upang itala ang 30-15 panalo laban sa Thai pug at makapasok sa light flyweight division semi-finals at iseguro ang kau-na-unahang awtomati-kong bronze medal para sa six-man squad.
Ang panalo ni Taña-mor ang nagkatakda ng kanyang pakikipaglaban kay Arnod Pangleelad ng Thailand Team A matapos na pawang magsipagyu-kod sina lightweight Anthony Marcial at mid-dleweight Francis Joven na siyang pansamanta-lang pumigil sa selebras-yon ng mga Pinoy.
Yumukod si Marcial, ang newcomer sa interna-tional competition sa bete-ranong si Chung Chun An ng Taiwan, 11-26, habang nalasap naman ni Joven ang 23-9 kabiguan sa mga kamay ni Armpon Heangom ng Thailand Team B sa kani-kanilang quarterfinals bouts.
Gamit ang kanyang dati ng porma, dinala ni Tañamor ang laban nang kanyang idikta ang tempo ng kanilang sagupaan simula sa umpisa hang-gang sa pagtunog ng final bell ng kanilang four-round bout. At ang lahat ng nakuhang puntos ni Tañamor ay mula sa counter punching ng Thai at ang karamihan dito ay galing sa final round.
Tangka ni Tañamor ang finals berth at awto-matikong silver medal ngayon.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalu-kuyang nakikipaglaban sina flyweight Violito Payla at light welterweight Florencio Ferrer sa kani-kanilang matitikas na kalaban sa quarterfinals.
Sasagupain ni Payla ang World Cup champion na si Somjit Jongjohor ng Thailand, habang makiki-pagbagsagan naman ng mukha si Ferrer kay Oleg Issarov ng Russia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended