^

PSN Palaro

Si Junel Baculi na ang susunod na coach ng PCU Dolphins sa NCAA

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Sa Lunes ay nakatakdang i-announce ng PCU ang kapalit ni Ato Tolentino as head coach ng Dolphins.

Matatandaang kamakailan lang, nagulat ang lahat nung malaman na nawala na si Ato sa PCU considering na siya ang nagdala nito sa championship ng NCAA last year.

Nakakagulat pero tutuo. Hindi lang natin alam ang tunay na istorya--kung nag-resign ba si Ato kung tinanggal siya.

May tsismis kasi dati na ayaw yata ng PCU na ang daming hawak na college teams ni Ato.

Hawak na niya ang UM at pati ang RTU.
* * *
Ngayon, sure na hindi si Ato ang coach dahil nag-iimbita na ang mga taga-PCU sa Lunes sa campus nila kung saan gagawin nila ang announcement nila para sa bago nilang coach.

Sino ba ang papalit? Ayaw pang sabihin ng mga taga-PCU. Secret pa raw.

Marami raw ang nag-apply. Marami ang kinunsidera. Pero siyempre, iisa ang magwawagi at papalit sa trono ni Ato.
* * *
Secret pa daw. Ayaw pa sabihin.

Pero ako, alam ko na. At ipapaalam na namin sa inyo.

Huwag lang sana akong magkamali para hindi ako mapahiya sa inyo.

Ang susunod na head coach ng PCU ay walang iba kundi

si.... Dyarannnnnn....

Si Junel Baculi po.
* * *
Oo, si Junel Baculi na nga na dating taga-Mapua at dating Cardinals.

Ngayon, makakalaban na niya ang dati niyang eskuwelahan.

Dating coach ng Welcoat si Junel at Hapee Toothpaste sa PBL. Nabakante si Junel last year at early this year. Yun pala, kinukuha na ng PCU.

Tahimik lang ang Junel at ayaw pa ring magsalita. Pero kahit ayaw pa nilang magsalita, basta ako, alam ko na si Junel na ang susunod na head coach ng PCU. Mag-champion kaya ulit ang PCU sa NCAA?

Malalaman natin.
* * *
Para sa latest sports and showbiz news, text lang kayo sa Napknock On sa 34822 para sa Smart at Talk N Text subscribers at presto, nasa cellphone na nyo ang latest news.

vuukle comment

ATO

ATO TOLENTINO

AYAW

CENTER

HAPEE TOOTHPASTE

JUNEL

PCU

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with