^

PSN Palaro

Tagaytay, Quezon City may ginto na rin

-
Hinatak nina Nilo Estayo at Jan Paul Morales ang Tagaytay Interna-tional Convention Center sa gold medal column gayundin si Popo Nag-talon ng Quezon City sa ikalawang araw ng first Philippine Velo Challenge kahapon sa Amoranto Velodrome sa Quezon City.

Masyadong agresibo si Estayo, sa pagpadyak sa Men’s Elite elimination race, nang mapagwagian nito ang isa sa dalawang gintong medalya para kay Mayor Abraham Tolentino na naka-bangon sa hindi magandang performance noong opening ng Velo Challenge na co-presented ng First Gentleman Foundation ni Atty. Jose Miguel Arroyo, Air21 (Sagot Ko, Padala Mo!) at Tour Pilipinas Inc.

Nagpakita naman si Morales ng husay nang maghari ito sa Juniors massed start sa oras na anim na minuto at 39.27 segundo para sa TICC, na nakahti sa eksena sa MayniLA at Wescor squads na nakipag-gitgitan sa dalawang pangu-nahing puwesto sa team competition.

Ibinigay naman ni Nagtalon ang unang gintong medalya sa Quezon City nang magreyna ito sa Women’s elite 4,800M massed start (8:34.04) upang daigin ang star-studded event na kina-bibilangan nina National mainstay Marites Bitbit ng Elixir, Lakambini Alto ng Puerto Princesa City, Marita Lucas ng MayniLA, Mona Valdes ng Tagaytay City at Ani Carina de Leon ng Wescor.

Nakopo naman ng Elixir ang isang gintong medalya sa araw -- ang Olympic Sprint para sa Executives, Masters at Veterans (Ricardo Maala, Mike Canete at Gerardo Amar) -- pero ang 64 points, ang siya pa ring humahawak sa abante para sa team sa event na suportado din ng Pagcor, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Isuzu D-Max (the Philippines‚ No. 1 Pickup), Sharp Phils., San Miguel Corp., dzSR Sports Radio, Vittoria Tires, 93.9 iFM, RMN dzXL 558, David’s Salon at Intrasports.

Ang MayniLA ay may tatlong gold na idadagdag sa naunang dalawang napag-wagian noong opening day nina Joeffrey Talaver sa Elite Men at Michael Zingh sa Executives ng 4,800 meters massed start at Olympic Sprint para sa Juniors, Women at Elite (Lucas, Jerwin Torres at Talaver) na tumabon sa 59 puntos ng Elixir.

Hindi naman nakaka-layo ang Wescor na may 55 puntos sa Velo Challenge na ito na suportado ni Quezon City Mayor Sonny Belmonte na magpapahinga ngayong Semana Santa at babalik sa April 2, 7, 12, 14, 19 at 26; at May 3 at 7.

AMORANTO VELODROME

ANI CARINA

CONVENTION CENTER

ELITE MEN

FIRST GENTLEMAN FOUNDATION

GERARDO AMAR

OLYMPIC SPRINT

QUEZON CITY

VELO CHALLENGE

WESCOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with