^

PSN Palaro

Mabuhay ka Manny Pacquiao

SPORTS LANG - Dina Marie Villena -
Buong Pilipinas ay nagdalamhati sa masakit na pagkatalo ni Pinoy ring idol Manny Pacquiao.

Marami nga ang nagtatanong kung talaga ba daw talo at hindi nadaya ang kanilang bayani.

Sa totoo lang, bagamat hindi ako eksperto sa boxing, pero kung ibabase ko sa mga ulat ng mga writers na naroon at nag-cover ng laro at batay na rin sa napanood ko sa TV, masasabing talo talaga si Pacquiao.

Gayunpaman, kahit natalo ang kaliweteng taga-General Santos, umani pa rin ito ng maraming papuri hindi lamang mula sa mga kababayan niya dito sa Pinas at yung mga nasa Amerika, kundi maging ng ilang kilalang personalidad doon.

Maging ang sikat at isa sa dating hinahangaang boksingero na si Mike Tyson ay napahanga kay Pacquiao.

Sa buong laban, sa loob ng 12 rounds, hindi natinag o hindi bumagsak sa lona ang Pinoy idol. Bagamat may sugat ang kanang mata sanhi ng suntok man yun o headbutt ni Erik Morales, hindi ito umurong at higit na nagpakatatag sa kanyang pakikibaka.

Senyales na matatag at hindi basta-basta puwedeng gibain ang People’s champion na si Pacquiao.

Halos hindi na nga niya makita ang mga pinapakawalang suntok ni Morales dahil pikit na ang kanyang isang mata.

Patunay din ito ng kanyang kagitingan at determinasyon na kahit sa huling sandali ay makapaghandog ng isang tagumpay na ipagbubunyi ng buong Pilipinas.

Sayang nga lang at hindi na niya nakayanan pa. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya pero, hindi umabot.

Kaya naman kahit talunan, sinasaluduhan ng iyong mga kababayan ang iyong kagitingan.

Mabuhay ka Manny Pacquiao!
* * *
Maugong pa rin at mainit ang balitang gusto ng umalis ni Romel Adducul sa Ginebra San Miguel.

Pero hindi tulad ng inaakala ng marami na may hidwaan ito sa kanyang mga kasama o coaching staff.

Ayon sa isang malapit kay Romel, nais nitong mapatunayan ang kanyang kakayahan.

Kasi nga naman, sa Ginebra, hindi siya ang number 1 o 2 o 3 kundi baka number 6 o 7 pa.

Siyempre naririyan si Erik Menk, Mark Caguioa at Andy Seigle. Ikunsidera pa ang kanilang import.

Nais niyang makawala sa Ginebra dahil may pangarap din siyang makakuha ng award tulad ng Most Valuable Player na sa palagay ng malapit sa kanya ay hindi niya makukuha kung hindi masyadong mahaba ang kanyang playing time.

O well, may punto ang kaibigan ni Romel sa senaryong ito.

Pero papaano siya makakaalpas sa Ginebra?

Iyan ang matinding katangunan.

Paano nga ba Tito Ed Ponceja?

ANDY SEIGLE

BUONG PILIPINAS

ERIK MENK

ERIK MORALES

GENERAL SANTOS

GINEBRA

GINEBRA SAN MIGUEL

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with