Hindi nagsisinungaling ang mga numero
March 21, 2005 | 12:00am
LAS VEGAS --Hindi nagsisinungaling ang numero.
At sa kasong ito, isang mabilis na tingin sa stats sheet na nakahanda at ipinamahagi ng Compu-box ang nagpapaliwanag na talagang napagwagian ni Erik Morales ng Mexico ang laban at kung papa-ano natalo si Manny Pac-quiao.
Si Pacquiao, kilalang rapid-shooter, ang nagpa-kawala ng maraming suntok sa 12-round con-test--katunayan may kabuuang 894 ito kum-para sa 714 ni Morales na kilalang slow starter ngunit mahusay tumapos ng laban.
Dahil dito, si Pacquiao ay may average na 74.5 na suntok sa bawat round habang naisalba lamang ni Marquez ang kanyang enerhiya nang mag-ave-rage ito ng 59.5 times sa bawat round.
Pero mas nagmarka ang mga suntok ni Mar-quez, na 265 laban sa 217 ni Pacquiao para sa average na 37 percent habang mababa sa 24 percent naman ang mga lumalanding na suntok ni Pacquiao.
At sa jabs department, malinaw na nagwagi din si Morales na nagpa-kawala ng kabuuang 303 at kumunekta ng 96 beses (32 percent) na karamihan ay tumama sa kanang mata ni Pacquiao na lalong nagpalala sa sugat ng Pinoy.
Si Pacquiao naman ay may pinakawalan na 349 jabs, na muli ay higit kay Morales ngunit mas marami ang kapos at 34 lamang ang tumama sa mababang 10 percent. Dito mapapatunayang dapat pag-igihan niya ang pagdya-jab.
At nagpakawala ng maraming malalakas na suntok si Pacquiao na may 545 kumpara sa 411 ni Morales at nakakasor-presang kumunekta la-mang ito ng 183 at kung gaano kalakas ito tanging si Marquez lamang ang nakakalaam.
Ang tatlong hurado-- na sina Paul Smith, Dave Moretti at Chuck Giampa, ay umiskor ng 115-113 pabor kay Morales at ibinigay ang first at last round kay Pacquiao, 10-9.
Dito mapapatunayang hindi nagsisinungaling ang mga numero. (Ulat ni Abac Cordero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended