Naniniwala si Buboy Fernandez, na kasama na ni Pacquiao simula pa sa unang araw ng pag-eensayo nito na mag-iisip ng malalim si Morales na ang Filipino ay isang matikas na fighter na dumedepende halos sa kanyang mapamuksang kaliwang kamao.
"Coach Freddie Roach and I have studied Moraless key fights on tape and we already know what to do," pahayag ni Fernandez. "The fights of Morales against Jesus Chavez, Carlos Hernandez, Marco Antonio Barrera and Daniel Zaragoza have all been dissected."
Sinabi naman ni Pacquiao na tumipa pa ng kanyang gitara at naglalaro ng video bago siya tuluyang umakyat sa lona na hindi na siya makapaghihintay ng opening bell.
"Talagang halos hindi na ako makapaghintay," wika ni Pacquiao.
Sinabi naman ng Australyanong conditioning coach ni Pacquiao na si Justin Fortune na handang-handa na at nasa tamang kundisyon ang 26-anyos na kaliweteng boksingero na sumabak sa 12 rounds kontra sa may mahabang mga kamay na si Morales.
Nakatakdang makipag-sparr si Pacquiao ng anim na rounds noong Huwebes ng hapon (Biyernes sa Manila) sa Wild Card Boxing Club sa Vine Street, ilang milya lang ang layo mula sa kanyang two bedroom apartment unit sa Sunset, Vine sa pusod ng Hollywood.
Taliwas naman ito kay Morales na nagsasanay sa mataas na kabundukan ng Otomi sa labas ng Mexico City.
"We are ready what the Morales camp is preparing for Manny," anaman ni Fortune, na minsan na ring naging kalaban ng British heavyweigth na si Lennox Lewis.
Idaraos ang final press conference sa Miyerkules, habang ang official weighin ay nakatakda naman sa Biyernes. (Ulat ni JMMarquez)