^

PSN Palaro

10 gold ang kaya ng Pinoy Judokas

-
Kabuuang 10 gintong medalya ang puntiryang makuha ng Philippine Amateur Judo Association (PAJA) sa darating na 23rd Southeast Asian Games.

Ayon kay PAJA president Capt. Rey Jaylo, naniniwala siya sa kakayahan ng kanyang mga atleta.

"Hindi naman sa pagyayabang baka sakaling maka-sampung golds tayo ngayon dahil ang kalaban lang natin ngayon ay ang Vietnam at tsaka Thailand," pahayag ni Jaylo.

Sinabi ni Jaylo na pawang mga Japanese coaches ang Vietnam at Thailand bilang paghahanda sa 2005 Philippine SEA Games.

Nakatakda ang naturang biennial event sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

Sa nakaraang SEA Games sa Vietnam noong 2003, apat na ginto ang naiuwi ng mga Filipino judokas bukod pa sa tatlong pilak at limang tansong medalya.

Ang beteranong si John Baylon pa rin ang sinasabi ni Jaylo na mangunguna sa kampanya ng bansa sa 2005 SEA Games.

"Wala pang tatalo sa kanya sa buong Southeast Asia," patungkol ni Jaylo kay Baylon. "Kahit na may edad na siya ng konti, wala pa ring tatalo diyan."

AYON

BAYLON

CAPT

DISYEMBRE

JAYLO

JOHN BAYLON

PHILIPPINE AMATEUR JUDO ASSOCIATION

REY JAYLO

SOUTHEAST ASIA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with