^

PSN Palaro

Higit na aksyon at kasiya-siyang laro sa Shakey's V-League

-
Umuwing masaya at lubos ang kasiyahan ng mga manonood na dumagsa sa Rizal Memorial Coliseum para lamang masaksihan ang magandang semifinal match sa Shakey’s V-League sa pagitan ng La Salle at Letran sa kabilang panig at UST vs PSC.

Ngunit iyon lamang ang simula at hindi pa nila nakikita ang higit na magandang laro.

Para muling maitakda ang rematch sa pagitan ng defending champion University of Santo Tomas at mahigpit nilang karibal na La Salle, tiyak na didispatsahin agad nila ang kani-kanilang kalaban para maipuwersa ang pinakahihintay na sagupaan ng mga fans--mula sa simpleng manonood hanggang sa masugid na tagasubaybay--at muling mapuno ang lugar na pagdarausan ng mainit na aksiyon sa liga na hatid ng Shakey’s Pizza.

"Sa dami ng tao na nanood noong Huwebes, siguradong mas marami pa ang manonood kung sakaling UST at La Salle nga ang magkita sa finals," ani Jun Bernardino, presidente ng organizing Sports Vision Management Group, Inc. (SVMGI).

"But of course, it’s not yet over because we expect PSC and Letran to come back strong," dagdag pa ni Bernardino.

At totoo, napuno ng fans ang upper at lower box at umapaw naman ang gallery section sa kauna-unahang pagkakataon sa kumprensiyang ito, na karamihan ay nasiyahan na mapanood ang Tigress at Lady Archers na talunin ang kani-kanilang mahigpit na karibal.

"Believe me, after this season, women’s volleyball would have gone a long way. Before, only a handful of people watch the games but lately, even on Sundays, we now have a pretty good crowd, especially when La Salle and UST play," anaman ni SVMGI chair Mauricio "Moying" Martelino.

BERNARDINO

JUN BERNARDINO

LA SALLE

LADY ARCHERS

LETRAN

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SHAKEY

SPORTS VISION MANAGEMENT GROUP

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with