Sinabi kahapon ng dating manager na si Marty Elorde na plano niyang gumawa ng legal na hakbang, ngunit tatapusin muna niya ang laban ng dating bata para hindi ito maistorbo sa kanyang paghahanda laban kay Erik Morales.
Sinabi ni Elorde na ang kanyang abogado ay nasa Amerika at sinabi nito na ang Morales fight contract ay pinirmahan sa legal na panahon na siya pa ang manager at ang pagpasok ni Finkel ay nag-dulot ng komplikasyon bagamat nagpahayag ito ng opinyon na maaring idemenda ni Murad si Finkel kung hahangarin nito na makihati sa P1.75 milyon na premyo ni Pacquiao sa March 19 showdown sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Malinaw na may interes sila sa pera ni Pacquiao at naniniwala na isang investment ang managerial contract ni Pacquiao dito.
Nagbuo na ng bagong "Team Pacquiao" ang bagong grupo ni Finkel na napaulat din na binigyan si Pacquiao ng $300,000 bonus at kumuha ng isang apartment na malapit sa Wild Card gym bukod pa sa sasakyan.
Si Finkel ang manager ni Mike Tyson ngunit balitang wala na rin sa kuwadra nito ang dating kampeon. At para masiguro, sinabihan ng marami na kumuha ng isang abogadong Pinoy si Pacquiao para mabasa ng husto ang nakasaad sa kanilang kontrata kay Finkel bago mahuli ang lahat.