Sa katatapos na 10th Asian Mountain Bike Championships na ginanap sa Puerto Princesa, nagdisplay ng mga magagara, pinakamoderno at high tech custom built na bisikleta ang mga Hapones na naging bentahe nila upang dominahin ang karera.
Mga gawang Ford at Honda ang mga naturang mountain bike ha. In fact, 2 years ago nang ako ay maimbitahan sa World Motorshow sa Japan, nakita ko kung gaano kaganda ang mountain bike na gawa ng Honda.
Grabe de kalidad talaga.
Can afford naman ang mga Hapones sa magagarang bisikletang ito dahil kaya nilang bumili kahit na gaano pa kalaki ang halaga nito.
At siyempre maganda naman ang naging bunga ng kanilang mamahalin at magagarang bike. Hindi kayang tapatan ang kanilang dominasyon dito sa Asya.
Kaya nga nagrereklamo ang mga siklistang Pinoy, dahil kumpara sa kanilang mga bisikleta walang binatbat o malayo ng milya-milya kaysa sa mga dala ng Hapones.
Pero milya-milya din naman ang layo ng Hapones kung pera at suporta sa sports ang pag-uusapan.
Unang-una, hindi naman talaga siguro natin kayang magpaggawa ng ganun kamamahaling bike. Eh lalo na ngat ngayon kailangang maghigpit ng sinturon dahil may krisis na pampinansiyal sa ating bansa.
At pakiwari ko, pati sa training at international exposures ay kulang din tayo.
Sana naman kahit sa training at international exposures eh makapantay tayo sa mga Hapones para naman may laban.
Di ba Mr. Bert Lina? Ang patron at bumuhay sa nanghihingalong cycling sa ating bansa.
At least maaga pa lang nakita na natin ang epekto ng mamahalin, high tech at modernong bike sa isang international kompetisyon.
Ngayon pa lang makakagawa na ng paraan. Hindi man katulad ng mga bike ng Hapones ang bike natin, puwede pa rin tayong umangat kung susuportahan lang ng husto ang ating mga atleta.