Sumandal ang UAAP sa malaking laro ni Toti Almeda ng UP para sa panalo ng isa sa dalawang All-Star Games na mabebenipisyuhan ang Bantay Bata 163.
Tumapos ng may 11 pun-tos si Almeda na karamihan ay sa second half nang malusutan ng UAAP cagers ang banta ng NCAA dribblers na binubuo ng halos karamihan ng reigning champion Philippine Christian University.
Nauna rito, napanatili ni Niño Canaleta ng University of the East ang kanyang Slam Dunk title matapos makakuha ng perfect score sa kanyang final dunk nang kanyang lundagan ang isang UE ballboy bago idakdak ang bola upang talunin sina James Hudencial ng San Beda at JC Intal ng Ateneo.
Nakopo naman ni Christian Tiu ang three-point king title nang kanyang talunin si Wynsjohn Te sa three-point shootout, 15-11. Pumasok sa finals ang Ateneo guard at ang JRU playmaker matapos umiskor ng 25 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Sa 2-ball challenge, nanalo ang tambalang Lero Jeomar Canuday at Patrick Cabahug ng Adamson University laban kina Te at Mark Lindaya ng Jose Rizal, 21-8 matapos pumasok sa finals ang dala-wang team sa pagkamada ng tig-43 puntos.
Samantala, sa pang-umagang aksiyon, naipuwersa ng defending womens cham-pion Adamson Lady Falcons ang deciding Game-Three sa Sabado sa Makati Coliseum matapos itabla ang kanilang best-of-three series laban sa Ateneo Lady Eagles sa pama-magitan ng 47-46 panalo.