Sino ang mga faculty members na ito na mahilig mag-sponsor ng mga college players at sinu-sino rin ang mga college players na ito?
Malalaman nyo rin very soon...
In fact, isa sa mga players na gusto niyang I-represent sa isang sikat na PBL team ay hindi naman niya alaga at walang-wala siyang karapatan na makialam sa dealing nitong college player mula sa NCAA.
Bat di na lang kaya siya mag-develop ng sarili niyang players?
Sabagay, kung anu-ano kasing istorya ang ikinuwento sa amin ng mga dati niyang hawak na players.
As in, nakakaloka ang mga revelations nila.
Tsk-tsk-tsk...
May mga nawala nga pero may mga pumalit naman agad.
Sa October 23 na ang umpisa ng PBL at ayon kay Comm. Chino Trinidad, wala na itong urungan.
Studio 23 pa rin ang naka-suporta sa TV coverage ng PBL.
Pasok pa rin ang Ateneo-Lee Pipes, Toyota Otis Letran, Viva-FEU team at Montana Pawnshop.
Nag-iisip pa ang Sunkist ng RFM. Tutuo kayang may kumpanyang magpapasok sa PCU team?
Si Caloy Garcia pa rin ang coach at si Jay Legacion ang assistant coach.
Si Albert de Jesus at Boy Lapid pa rin ang namamahala sa team.
Wala na sa kanila sina Dominic Uy, Dino Aldeguer, at Lou Gatumbato. Ewan ko kung ano ang nangyari.
Kabilang na sa team sina Eugene Tan, Ryan Dy, at Erwin Sta. Maria.
As in nagkaroon ng kampihan--may mga maka-Arwind, may maka-Mark.
Ligawan sa mga press people, at kung anu-ano pa. In the end, si Arwind Santos din ang nanalo.
Tanong ng isang writer--bakit daw ganun ang kailangang mangyari sa labanan ng MVP?
Bakit, ano ba ang nangyari?