ANG AKING UAAP ALL-STARS
September 26, 2004 | 12:00am
Umabot na sa kasukdulan ang basketbol sa kolehiyo ngayong taon, kaya karapat-dapat lamang na parangalan ang mga natatanging basketbolista ng taon sa UAAP. Sinu-sino ba ang sa tingin ninyoy naging bukod-tangi sa kanilang mga kalaro? Narito ang aking talaan.
Mac Cardona, guard, De La Salle University. Wala na tayong masasabi sa ipinamalas ni Cardona nitong taong ito. Lahat na lamang, ginawa niya para sa Green Archers. Mahirap man, hinigitan pa niya ang mga nakaraan niyang ipinakita. Kung ano ang kailangan ng DLSU, ibinigay niya kaya siya ipinaglalaban ni Franz Pumaren na maging MVP.
Joseph Yeo, guard, De La Salle University. Lumabis ang tapang, at gumanda ang shooting. Iyan ang mga katangiang mayroon si Joseph Yeo. Tila alam na niya ang lamang niya sa mga ibang guwar-diya at ginagamitan niya ng utak.
Arwind Santos, forward, Far Eastern University. Isa pang karapat-dapat tanghaling Most Valuable Player. Mula sa depensa hanggang sa pagtingkad ng kanyang three-point shooting, inilabas na ni Santos ang lahat ng kakayahan niya, kaya naman nasa Finals ang Tamaraws.
Dennis Miranda, guard, Far Eastern University. Maituturing na pinakamatinding point guard sa UAAP ngayon, di lamang dahil sa tapang, kundi dahil na rin sa diskarte. Bagamat ipinagdidiinan ni Koy Banal na walang bida sa kanila, kung wala si Denok at Arwind, malabong makarating ng malayo ang FEU.
LA Tenorio, guard, Ateneo De Manila University. May iba pa bang kayang lumikha ng tira gaya nitong Blue Eagles na ito? Kung may mas matinding suporta lamang sa loob, di sana kinapos ang ADMU. Ilang ulit niyang isinalba ang Ateneo, dahil sa ganda ng tira at galing mamasa.
JC Intal, forward, Ateneo De Manila University. Konti na lamang, tatanghalin na siyang lehitimong superstar. Tanging kahinaan na lamang ang outside shooting, pero liban doon, wala ka nang hahanapin pa. Kapag natuto pa itong pumoste sa loob, wala na sigurong makakapigil pa sa kanya. Malaki pa ang itutulong niya kay Sandy Arespacochaga sa hinaharap.
Niño Canaleta, forward-center, University of the East. Ang sukatan ng mga center-forward sa UAAP. Dati-ratiy magaling lang sa dunk, pero lumalabas na ang iba niyang mga baraha. Sa kanya umiikot ang Red Warriors. Kapansin-pansing tuwing umuupo siya, bumababa ang laro ng UE.
Paulo Hubalde, guard, University of the East. Sa wakas lumabas na ang angking galing nitong guard ni Dindo Pumaren. Pinili na niyang manguna at sumunod naman ang mga kakampi. Sa tambalan nila ni Canaleta, sumandal ang UE at kung sinuwerte pa ng kaunti, sila sana ang nasa kampeonato.
Toti Almeda, guard University of the Philippines. Kung di lamang nagkasakit si coach Lito Vergara, baka ang UP pa ang nasa cham-pionship. Halos mag-isang binitbit ni Almeda ang Fighting Maroons, lalo na noong ikalawang round. Bagamat wala silang lehitimong sentro, nadala ni Almeda ang kanyang koponan at marami silang nadisgrasya. Isang laro lang ang namagitan sa kanila at ang Final Four.
Christian Luanzon, forward, University of Santo Tomas. Dati guard, ngayon forward. Lahat na ng pakikisama, ginawa ni Luanzon para maiangat ang manipis na Growling Tigers. Naroroon pa rin ang shooting, pero nadagdagan ng pakikipagbanggaan sa loob. Kitang-kita na kung wala siya, lalong walang mapapala ang UST.
Mark Abadia, forward, Adamson University. Kabilaan ang pagiging lider ng forward ng Falcons. Ilang beses niyang pinigil ang shooter ng kalaban, at ilang beses ding gumawa para sa team? Kung di lamang nabibigatan sa mga foul, mas mataas pa sana ang narating nila.
Rhey Mendoza, center-forward. National University. Bagamat di kasing talas ng nakaraang taon, mabangis pa rin ang hari ng mga Bulldogs. Rebounding, shooting, depensa, kahit maglaro ng ibang posisyon, kinaya. Dapat siguro, ipagtayo ng monumento bilang pagkilala sa serbisyo.
Abangan ang UAAP-NCAA All-Star Game sa susunod na weekend.
Panoorin ang UAAP at NCAA Finals sa programang The Basketball Show. Ngayong araw na ito mapapanood, ganap na 1 p.m. sa ABC-5. Nagbigay-daan ang programa dahil sa pagbubukas ng URBL kahapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am