RP gymnast nag-uwi ng 5 gold
September 19, 2004 | 12:00am
Nag-uwi ang RP gymnasts ng 5 gintong medalya, 5 pilak na tinampukan ng team championship sa womens artistic gymnastic (juniors division) sa katatapos pa lamang na Southeast Asian Gymnastics Confederation (SEAGCON) na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Pinangunahan ni Crista Santos ang kampanya ng Pinay gymnasts nang isubi niya ang ginto sa vault at all-around competition.
Bukod sa kanya, nagbulsa rin ng ginto sina Tammy de Guzman sa uneven bars at Patricia Paraso sa balance beam.
Ang apat na unang gintong naisukbit ng Filipinos ay sapat na para dominahin ang juniors girls team na nagkaloob sa RP ng ikalimang ginto sa isang linggong event.
Nanalo rin ang women gymnasts ng dalawang tanso mula kina Phoebe Espiritu sa vault (senior womens) at Danica Calapatan sa ryhthmic event.
Nakuntento naman ang mens side na nagpadala ng second team sa tatlong bronze medal na hatid nina Al Ramirez sa vault at all-around at Brydon Xy sa floor exercises.
"Our gymnasts hard work and preparation paid off. This only proves that our preparations for the 2005 SEA Games are right on track," pahayag ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Noel Buenaventura.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended