Madaling sabihin ngunit mahirap gawin.
Siguradong giyera ang magaganap sa dalawang sudden death mat-ches ng NCAA mens basketball Final Four kaya tiyak mayayanig ngayon ang Rizal Memorial Coliseum.
Matapos ihirit ang do-or-die game ngayon kontra sa PCU Dolphins na nakinabang sa kanilang twice-to-beat advantage, kailangang makubra ng CSJL ang ikalawang panalo sa kanilang alas-4:00 ng hapong sagupaan upang maipagtanggol ang kanilang korona sa best-of-three finals.
Paglalabanan naman ng San Beda College at host-University of Per-petual Help Dalta System ang isa pang finals slot sa hiwalay na sudden death match sa alas-2:00 ng hapon.
Naihirit ng Letran at ng SBC Red Lions ang do-or-die games ngayon matapos ang magkahiwalay na panalo noong Biyernes sa Araneta Coliseum.
Sa pagkawala ng star player na si Ronjay Enrile na makakabalik na ngayon mula sa one-game suspension, may Jonathan Aldave na naasahan ang Knights nang pumu-kol ito ng winning triple tungo sa 65-64 panalo.
Nakinabang naman ang Bedans sa kakulangan ng players ng UPHDS Altas na kanilang nilimitahan sa dalawang puntos lamang sa ikatlong quarter tungo sa 57-48 panalo.
Tulad ng Philippine Christian, may twice-to-beat advantage din ang Perpetual kaya may pagkakataon pa sila ngayon para makasulong sa championships.
Gaganapin din ang Final Four ngayon ng juniors division kung saan maghaharap ang SBC Red Lions at ang La Salle Greenhills sa pang-umagang aksiyon sa alas-11:30 ng umaga at sa ikaapat at huling laro, maghaharap naman ang CSJL Squires at ang PCU Baby Dolphins. (Ulat ni CVO)